Pero di yan ang kuwentong malupet. Eto.
Pagdating ko sa bahay, matutulog na sana ako then si ate bigla ako tinawag, may phone call daw ako, lalake daw and sabi nung lalake nasa kanya daw wallet ko. Weird. Ang pagkakaalam ko nasa koche yung wallet ko kasi naalala ko nilagay ko sa koche bago ako umalis.
So ayun wala nga sa koche, nagtataka ako kung pano napunta sa kanya. Nadampot daw nya sa may plaza quezon, (lugar sa LP). Taka na naman ako. pano napunta don. Siguro nailapag ko sa ibabaw ng koche tapos umalis na ako di ko namalayan iniwan ko don.
Anyway sabi ko sa kausap ko mag meet kami sa Select sa tapat ng perps.
On the way there, my mind was already thinking of scenarios, mga what if ba, like hihingan ba ko ng pera neto, mga ganun.
To my amazement, pagdating ko don, nagpakilala ako, inabot nya yung wallet ko, and that's it. Walang hininging kapalit.
Natutuwa naman ako. Totoo ngang may mga taong mababait pa rin, yung hindi pa rin nasisilaw sa pera.
His name is Dante, he lives in Zapote/Cavite.
Dante, maraming maraming salamat sayo! Sana maraming tao ang tumulad sa magandang ugali mo. Saludo ako sayo.
No comments:
Post a Comment